29 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Panganib ng panunumbalik ng mga sakit na dating naisantabi na ng Pinas ibinabala

- Advertisement -

Milyon-milyon ang nanganganib na mamatay sa pagbabalik ng mga sakit na dati nang naisantabi ng Pilipinas tulad ng diphtheria, smallpox, pertussis at iba pa.

Babala ito ni Dr. Edcel Maurice Salvania, isang infection specialist at direktor ng University of the Philippines (UP) Manila Institute of Molecular Biology sa harap anya ng patuloy na pagbaba ng bilang ng mga nagpapabakuna.

Ayon kay Salvania, dati nang mababa o nasa 70% lamang ang rating ng vaccination sa Pilipinas pero pinabagsak pa ito sa 40% hanggang 30% ng kontrobersya sa dengvaxia.

At kahit anya sa 70%, nasa dalawa at kalahating milyong buhay kada taon ang naililigtas dahil sa bakuna.

Dapat anyang paalalahanan ang publiko na bagamat may mga side effects ang bakuna, mas malaki pa rin ang bentaheng ibinibigay nito para salagin ang mga sakit lalo na sa mga bata.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -