33.8 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Panelo itinangging hindi sila magkatugma ni Duterte ng pahayag pagdating sa mga usapin sa bansa

- Advertisement -

Mariing itinanggi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na hindi magkatugma ang mga ipinalalabas nilang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa mga mahahalagang usapin sa bansa.

Ito ay matapos namang sabihin ni Vice President Leni Robredo na dapat nag-uusap muna sina Panelo at Pangulong Duterte bago magpalabas ng mga official statement.

Pagtitiyak ni Panelo, nag-uusap sila ng pangulo hinggil sa mga malalaking usapin bago siya magpalabas ng pahayag.

Iginiit pa ng kalihim na ang nagiging problema ng mga kritiko ng administrasyon at ni VP Robredo ay ang palaging paghahanap ng mali sa mga pahayag ni Pangulong Duterte at hindi pakikinig sa mga official statement ng Palasyo.

Magugunitang noong nakaraang linggo, kinuwestiyon ni Robredo ang pahayag ng pangulo na plano nitong isantabi ang panalo ng Pilipinas sa arbitral ruling laban sa China para sa joint exploration.

Habang sinagot at nilinaw naman ito ni Panelo kung saan sinabihan pa niya ang pangalawang pangulo na naghahanap lamang ng masisisi.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -