Radio Philippines Network
National News

Pamamahagi ng gadgets para sa mga estudyante sa Pasig City inaayos na

Inaayos na ng lokal na pamahalaang lungsod ng Pasig ang pamamahagi ng gadgets para sa mga elementary at high school students sa mga public schools.

Ito ay alinsunod sa isinusulong na virtual o online classes na alternatibong sistema sa pag-aaral pagsapit ng new normal.

Ayon kay Pasig Mayor Vico Sotto, kanila naring pinaghahandaan ang maayos na internet connections sa mga paaralan sa lungsod.

Aniya, gumawa na ang lokal na pamahalaan kung saan nila kukunin ang pondo para sa mga personal devices na ipapamahagi sa mga estudyante.

Samantala, tinatayang aabot sa 140,000 ang bilang ng mga estudyante sa Pasig na nasa elementarya at sekondarya.

Related posts

Ilang injectibles may peligrong dulot sa tao

Powered by DWIZ

14 senador ipinanawagan ang agarang pagbibitiw sa puwesto ni Duque sa DOH

Powered by DWIZ

Campaign posters na nakakabit sa mga gusali ng gobyerno pinatatanggal na

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More