30.2 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Palasyo tiwalang mabibigo ang mga magtatangkang patalsikin si Duterte

- Advertisement -

Tiwala ang Malacañang na mabibigo ang mga nagtatangkang patalsikin sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng paggunita sa anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa ika-25 ng Pebrero.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, “wishful thinking” lamang ang ipinapanawagang kilos protesta sa social media.

May mga nais kasi aniyang magkasa ng protesta sa nabanggit na araw para umano ipakita ang pagtutol ng publiko sa pagpapabasura ng pangulo sa visiting forces agreement (VFA).

Ani Panelo, malabong magbunga ang pinaplano ng mga kritiko ng administrasyon dahil mas marami umanong Pilipino ang sumuporta kay Pangulong Duterte.

Maging ang militar umano ay 100% ang suporta sa punong ehekutibo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -