33.8 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Palasyo sangayon sa 3 buwang pagpapalawig ng Bayanihan to Heal as One Act —Spox

- Advertisement -

Bukas ang Palasyo sa tatlong buwang pagpapalawig sa batas na nagbibigay sa Pangulong Rodrigo Duterte ng dagdag na kapangyarihan para malabanan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na “ideal” ang nasabing panahon ng extension ng Bayanihan to Heal as One Act.

Ayon kay Roque, makatuwiran na ang dagdag na panahong ito para makita ang resulta ng pagsusumikap ng gobyerno sa laban kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) at kung kailangan pang i-extend ay u-ubra naman hanggang Disyembre.

Una nang sinuportahan nina Senate President Vicente Sotto III at Senador Panfilo Lacson ang pagpapalawig sa special powers ng Pangulong Duterte sa ilalim ng nasabing batas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -