Palasyo, nakiramay sa pagpanaw ng ina ni VP Leni Robredo

Palasyo, nakiramay sa pagpanaw ng ina ni VP Leni Robredo

by Powered by DWIZ
82 views

Nagpaabot ng pakikiramay ang Palasyo ng Malakaniyang sa pagpanaw ng ina ni Vice President Leni Robredo na si ginang Salvacion Gerona.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo na kilala si ginang Sally ang hindi aniya matatawarang pagbibigay loob at pagiging dedikado nito sa pagtuturo.

Magugunitang sumakabilang buhay si ginang Sally kagabi sa edad na 83 bagama’t hindi na partikular na tinukoy ng pangalawang Pangulo ang sakit nito.

Sa kabila ng kaniyang edad, hindi nagpaawat si ginang Sally sa kaniyang pagtuturo sa Universidad De Santa Isabel sa Naga City.

Mamayang hapon, bubuksan sa publiko ang burol kay ginang Sally na gagawin sa Eternal Gardens sa Balatas Road, Naga City sa Camarines Sur.

0 comment

Related Posts