Radio Philippines Network
Headlines National News

Palasyo iginiit na COVID-19 free ang bansa

Nananatiling coronavirus free ang Pilipinas.

Ito ang iginiit ng Malakanyang, kasunod ng mga lumalabas na balita kaugnay sa mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo, hindi na kasama sa listahan ng mga kumpirmadong may COVID-19 ang tatlong unang naiulat na nagpositibo sa naturang virus.

Paliwanag ni Panelo, isa sa tatlong kaso ay pumanaw na habang ang dalawa ay nakarekober na sa naturang sakit at na-discharge na sa pagamutan.

Samantala, tiniyak naman ng kalihim na sinisikap ng pamahalaan na gawin ang lahat upang mapigilan at hindi na kumalat pa ang COVID-19 sa bansa.

Related posts

Typhoon Ursula bahagyang humina habang papalabas ng bansa —PAGASA

Powered by DWIZ

Listahan ng mga inmates na maagang nakalaya sa bisa GCTA ipina-susumite ng DOJ

Powered by DWIZ

Duterte at Go nag-‘burger date’

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More