29.7 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Pagsunod ng SJDM City sa #DisiplinaMuna program, ikinatuwa ng DILG

- Advertisement -

Pinapurihan ng DILG ang ginagawang hakbang ng Lokal na Pamahalaan ng San Jose Del Monte City sa Bulacan para matamo ang isang mapayapa at disiplinadong Komunidad.

Ito’y ayon kay DILG Spokesman Usec. Jonatahan Malaya ay kasunod ng pagsunod nila SJDM City Mayor Arthur at asawa nitong si Rep. Florida “Rida” Robes sa #DisiplinaMuna Campaign ng kagawaran.

Ayon kay Malaya, magandang halimbawa aniya ang matagumpay na pagpapatupad ng lungsod sa mga programa ng DILG partikular na ang Road Clearing at Disaster Preparedness.

Gayundin aniya ang mabilis na pagkilos ng SJDM City sa pagpoproseso ng negosyo na tumutulong para mapataas ang kita ng lungsod sa aspeto ng pagbubuwis.

Sa kanilang panig, tiniyak nila Mayor at Rep. Robes na makaaasa ang DILG na magiging tapat silang kaagapay ng mga mamamayan lalo pa at regular ang ginagawa nilang “Ugnayan sa Barangay” Town Hall Meeting.

We share DILG Secretary Eduardo Año’s vision of LGUs as the government’s bridge to the people. Our duty as Filipinos — to uphold the law and to contribute to the country — begin with our interaction with local government units,”  saad ni Mayor Robes. “This is why it’s really necessary for us to touch base with each and every barangay so that we can personally inform our constituents about how we are cooperating with the national government.”

Ang huling Town Hall meeting para sa taong ito ay may temang “Ikaw at Ako sa Paskong Darating”

Tampok dito ang pagtalakay hinggil sa “#Disiplina Muna National Advocacy Campaign” na inilunsad sa pamamagitan ng Memorandum Circular No. 2019-181 noong nakaraang October 24.

Partikular na nakatuon ang kampanya sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -