Radio Philippines Network
Headlines National News

Pagsama sa Singapore sa travel ban kinontra ni Locsin

Kontra si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. na isama ang Singapore sa pinaiiral na travel ban hinggil sa corona virus diseases 2019 (COVID-19).

Binigyang diin ni Locsin na ang ban sa anumang bansa ay hind dapat ibinabase sa bilang o dami ng tinatamaan ng COVID-19.

Ibinabatay aniya ang pagpapatupad ng ban sa kakayahan ng isang bansa na maawat ang paglaganap ng sakit gayundin sa istriktong pagbabantay nito sa mga bumabayhe papasok at palabas ng kanilang mga paliparan at pantalan.

Ang Singapore ay nakapagtala ng 58 kaso ng COVID-19.

Related posts

Makati RTC 148 walang ilalabas na anumang resolusyon sa mosyon ng DOJ

Powered by DWIZ

Palasyo nilinaw na si Xi ang maaaring magbukas ng talakayan kay Duterte kaugnay sa POGO

Powered by DWIZ

Mrs. Chiong hindi ikinatuwa ang mga papuri ni Pangulong Duterte kay Faeldon

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More