30.2 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Pagpapatuloy ng NBA season 2019-2020 wala pang katiyakan

- Advertisement -

Pinag-aaralan ng pamunuan ng NBA ang mga ipatutupad nitong development para sa posibleng pagbabalik ng 2019-2020 season.

Sinabi ni NBA Commissioner Adam Silver, na sa ngayon mino-monitor pa nila ang mga coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases sa Estados Unidos at maging ang isasagawang malawakang testing.

Inaantabayanan din aniya nila ang aksyon ng Centers for Disease Control and Prevention upang matuldukan na ang pagkalat pa ng virus.

Giit ni Silver, handa na silang muling maipagpatuloy ang NBA season ngunit hindi aniya masiguro kung kelan ang takdang araw ng pagbabalik ng mga laro ng mga team.

Matatandaang, kinansela ang lahat ng NBA games, matapos magpositibo sa COVID-19 si Utah Jazz Player Rudy Gobert.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -