33.8 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Pagpapanatili ng PE sa curriculum ng edukasyon suportado ni Briones — PSC

- Advertisement -

Suportado ni Education Secretary Leonor Briones ang mungkahi ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez na huwag alisin ang Physical Education (PE) sa curriculum ng national education system.

Sinasabing ito’y bilang tugon sa panawagan ni Sen. Sherwin Gatchalian na tanggalin muna pansamantala ang PE upang matutukan ng mga guro ang mga mahahalagang “subjects” sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ngunit agad na lumiham si Ramirez kay Briones kung saan binigyang diin nito ang kahalagahan ng PE sa “overall education” ng kabataan, gayundin sa pagpapatatag ng bansa.

Ayon kay Ramirez, personal na tumugon sa kanya si Briones at aniya’y suportado ng kalihim ang kanyang ipinaglalaban.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -