28.5 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Pagpapalaya Kay Pemberton, Inalmahan Ng LGBTQ Sa Bicol

- Advertisement -

Iriga City – inalmahan ngayon ng LGBTQ community ng Bicol ang  nakatakdang paglaya ni US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton, ang suspect sa pagpatay sa transgender na si Jennifer Laude.

Sa pahayag ni Quintin Breboneria aka “Queen” isang opisyal ng LGBTQ community sa Camarines Sur sa panayam ng Radyo Ronda na mariin nilang kinokondena ang pagbibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte ng absolute pardon na walang pag-alinlangan sa pamilya ng biktima.

Ayon kay Queen, mismong si Pemberton na umano ang umamin sa mga otoridad sa kanyang ginawang karumaldumal na pagpatay sa Filipina transgender woman na si Jennifer Laude, ngunit sa huli ay pinatawan parin si Pemberton ng nasabing desisyon.

Labis umanong nadismaya ang mga ito sa pamahalaan kung saan ipinagdiinan pa nito na hindi porket isang miyembro ng LGBTQ si Laude ay wala na itong karapatang makamit ang hustiya.
(OIC Melvin F. Barayoga, RPN DZKI Iriga)

 

(Source: Interview with Quintin Breboneria at Radyo Ronda)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -