29.8 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Pagpapalabas ng red notice vs. ‘drug queen’ hiniling

- Advertisement -

Hiniling na ng pamahalaan ang pagpapalabas na ng red notice laban sa tinaguriang ‘drug queen’ ng Maynila na si Guia Gomez Castro.

Ito ang inihayag ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, matapos aniyang humingi ng tulong gobyerno ng Pilipinas sa Interpol o International Criminal Police Organization para sa pagkakaaresto ni Castro.

Ayon kay Año, ipinalalabas ang red notice para alertuhin ang lahat ng police organizations sa buong mundo laban sa isang wanted fugitives.

Dagdag ni Año, nakikipag-ugnayan na rin ang mga security officials ng Pilipinas sa kanilang mga counterpart sa mga ASEAN countries para sa mabilis na extradition o pagpapabalik sa bansa ni Castro.

Meron na rin aniya silang impormasyon sa kinaroroonan ni Castro bagama’t tumanggi na ang kalihim na magbigay ng detalye.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -