Radio Philippines Network
DZKI Iriga News Provincial News

Pagpapabalik Sa Mga LSI, Pansamantalang Ipinapatigil Ng Mga LGUs Sa Lalawigan Ng Camarines Sur Dahil Sa Paglobo Ng Covid-19 Cases

Iriga City. Pansamantalang ipinapatigil ng mga LGU’s dito sa lalawigan ng Camarines Sur ang pagpapa-uwi sa mga locally stranded individuals (LSI) dahil sa biglaang paglobo ng mga kaso ng corona virus disease- Covid19.

Sa loob lamang ng dalawang linggo nakapagtala ng 11ng kaso na ang pinagmulan ay mga LSI mula sa Cavite at sa National Capital Region-NCR.

una rito, dalawang kaso ang naitala sa Lungsod ng Naga na siyang pinagmulan ng pito pang ibang kaso, samantalang dalawang iba pa mula naman sa lulan ng Philippine National Railways sa ilalim ng Balik Probinsya Program ng pamahalaan.

Dumating sila ng June 21 hanggang June 25 at makalipas lamang ang apat na araw biglang dumami ang local transmission sa  kanilang nakasalamuha.

Isang taga Pasacao at isang taga Balatan, Camarines Sur ang huling nagpositibo sa covid 19 at ito ngayon ang tinututukan sa contact tracing.

Ayon kay Mayor Jeff Besenio ng Baao mas maganda kung swab test ang gagawin sa mga LSI at di rapid test na minsan hinde 100% na tama ang resulta.

Ganito rin ang sinabi ni Mayor Nena Bagasbas ng Balatan at Mayor Tayco ng Pasacao sa pagsabing di sila tumatanggi sa mga LSI na makabalik sa kanilang pamilya, subalit ang nakataya rito ay ang kapakanan ng nakakaraming mamamayan.

Maging si Gov. Migz Villafuerte ng Camarines Sur ay inaasahang sasang-ayon sa nabanggit na posisyon ng mga Mayor upang mapangalagaan ang buong lalawigan.

Bukas inaasahan na ipapadala na sa IATF ang resolusyong ito upang kanilang mapag-aralan.

 

 

  1. Barayoga

Related posts

Mikulata patay sa construction worker padayong ginaila sa kapulisan

RPN News

Lalaking Nag Sulay Og Hikog Na Rescue Sa Mga Kapulisan

RPN

Baguio City Eyes Congestion, Environmental Fees

RPN

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More