Paglilinis sa food section ng night market sa Baguio City tuwing gabi gagawin

0
1

Baguio City – Nagsagawa na mahigpit na paglilinis ang City Market Division mula sa City Treasury Office ‘s parking lot sa Burnham Park na ginagamit bilang food section ng night market.

Ito ay matapos na mag utos si Mayor Benjamin Magalong kay Market Supt. Ceasar Emilio ng pagsasagawa ng general cleaning sa nasabing lugar dahil sa reklamo na hindi kaayaaya ang amoy na nagmumula sa ilang section.

Sinabi ni Emilio na kaagad silang magsasagawa ng disinfection at flushing upang malinisan at ma-sanitize ng mabuti ang food section. Ang disinfection ay isasagawa ng Sanitation Division team ng City Health Services Office.

Kinausap na nila ang mga food vendor leader mahigpit na susundin nila ang tamang pagtatapon ng basura at ang tamang pamamahala ng solid at liquid waste. Nagpatawag ng pagpupulong si food vendor leader Sisinando Monderin sa lahat ng mga food vendors upang ipa alam ang bilin ng lokal a gobierno hingil sa tamang pagtatapon ng basura.

Napag-alaman na ang pagtatapon ng mga solid wastes ay na nai-adjust ng mas maagang oras upang mas maraming oras ang paglilinis. Ang liquid waste ay kukunin sa oras ng alas-singko ng medaling araw. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Baguio City)

Leave a Reply