34.7 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

Paglabas sa bansa ng ‘drug queen’ na si Guia Gomez Castro kinumpirma ng BI

- Advertisement -

Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) ang paglabas sa bansa ng tinaguriang ‘drug queen’ na si Guia Gomez Castro.

Si Castro ang sinasabing buyer ng mga nirerecycle na illegal drugs ng tinatawag na ‘ninja cops’.

Batay sa datos ng Immigration, umalis noong September 21 si Castro patungo ng Bangkok, Thailand.

Sinabi ni Immigration Spokesperson Dana Sandoval na pinayagang makalabas ng bansa si Castro dahil wala naman itong masamang record na nakatala sa ahensya.

Si Castro ay una nang napag-alamang halal na barangay chairman ng Barangay 484 Zone 48 subalit nagpasyang huwag manumpa sa tungkulin para takasan ang otoridad.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -