Pagkalat ng COVID-19 inaasahang mabilis na mapipigilan — WHO

0
15

Umaasa ang World Health Organization (WHO) na matatapos ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic sa loob ng dalawang taon.

Ayon kay WHO Chief Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus, umaasa ang WHO na mas maikling panahon lamang at mabilis na mapipigilan ang COVID-19 kumpara sa Spanish flu noong 1918.

Sinabi ng WHO Chief, inabot kasi ng dalawang taon bago tuluyang mahinto ang pagkalat ng Spanish flu.

Aniya, dahil sa modernong teknolohiya at medisina ay umaasa sila na kaya nang mahinto ang pagkalat ng COVID-19 sa loob ng dalawang taon o mas maaga pang panahon.

Kaugnay nito, nanawagan din ang WHO na magkaisa ang buong mundo para malabanan at tuluyan nang mahinto ang pagkalat ng COVID-19.

Batay sa pinakahuling ulat, pumapalo na sa 22.81 million ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa daigdig, kung saan nasa 793,000 na ang bilang ng mga nasawi.