Home Headlines Pagkakasadsad ng eroplano ng Tsina sa NAIA 1 pinaiimbestigahan

Pagkakasadsad ng eroplano ng Tsina sa NAIA 1 pinaiimbestigahan

0

Malaki na umano ang pangangailangan ng Pilipinas para sa panibagong paliparan bukod pa sa NAIA o Ninoy Aquino International Airport.

Iyan ang mungkahi ni Senador JV Ejercito kasunod ng pagkaka-antala ng napakaraming mga biyahe sa NAIA Terminal 1 dulot ng pagkakasadsad ng eroplano ng Xiamen Airlines sa runway 06-24 mula pa noong Huwebes.

Ayon kay Ejercito, dapat magkaroon ng iisang runway na nakalaan lamang para sa lahat ng mga international flights tulad ng pagkakaroon ng isang twin airport system.

Sa panig naman ni House Transportation Committee Chairman at Catanduanes Rep. Cesar Sarmiento, dapat siyasatin ng kongreso ang naturang insidente.

Dapat aniyang alamin ang mga posibleng sanhi ng pagkakasadsad ng eroplano ng Tsina sa paliparan ng Pilipinas gayundin ay matukoy kung sinu-sino at ano ang pananagutan ng Xiamen Airlines sa naturang insidente.

Pagkakasadsad ng eroplano ng Tsina sa NAIA 1 pinaiimbestigahan was last modified: August 19th, 2018 by Jaymark Dagala

Exit mobile version