Dapat tratuhin ng patas si dating first lady Imelda Marcos matapos itong makapag-piyansa sa kasong graft sa Sandiganbayan.
Ito, ayon kay Senador Koko Pimentel ay kahit hindi naman naging patas ang pamilya Marcos lalo sa mga human rights victim noong panahon ng martial law.
Ipinunto ni Pimentel na may karapatan naman ang bawat isa na makapag-piyansa maliban na lamang kung mabigat ang kaso.
“Ang general rule sa ating constitution, lahat tayo na maakusahan ng krimen ay may right to post bail exception lang yung mabigat yung akusasyon like ang punishment niya ay life imprisonment so yan po yun. So bail is discretionary so kung hindi po pumasok sa exception yung kaso niya, meron siyang karapatan to post bail, Marcos man siya, Hitler man siya, eh may karapatan po eh. So kailangan respetuhin din po natin yung karapatan nung tao.”
Hindi naman anya special treatment ang pagpapahintulot ng korte na makapag-piyansa si marcos para sa pansamantala nitong kalayaan.
“Kung naging unfair po sa atin yung mga Marcoses, maging fair tayo sa kanila para makita nila na ang laban natin ngayon ay patas unlike sa panahon nila na hindi patas ang laban.”
(From Usapang Senado interview)