Pagdinig ukol sa PSAs inulan ng mga katanungan mula sa Climate Justice at Rights Advocates

Pagdinig ukol sa PSAs inulan ng mga katanungan mula sa Climate Justice at Rights Advocates

by Powered by DWIZ
9 views

Inulan ng mga katanungan mula sa Climate Justice at Consumers’ Rights Advocates ang unang pagdinig sa aplikasyon ng Meralco para sa anim na power supply agreements o mga PSA mula sa katatapos na competitive selection process sa Energy Regulatory Commission.

Paliwanag ni Gerry Arances, convenor ng Power for People Coalition (P4P), sa anim na PSA na kasalulukuyang nasa proseso para sa pag-aapruba ng ERC, mula sa karbon o coal ang 1,460 megawatts habang ang natitira umano ay mula sa fossil fuels.

Magugunitang naghain ng ‘petition for intervention’ ang P4P sa ERC upang kuwestiyunin ang naging resulta ng CSP ng power company.

Pinaratangan din ni Arances ang Meralco na minamadali ang pag-aapruba sa mga bagong PSA dahil ang umiiral na kontrata ay mapapaso na ngayong buwan ng Disyembre kung saan kasama rito ang Masinloc Coal-fired Power Plant, Therma Luzon Coal Plant at coal facility ng San Miguel Energy Corporation.

Samantala, binigyang diin naman ni Ian Rivera ng Philippine Movement for Climate Justice na isang kasinungalingan ang sinasabing serbisyo ng Meralco sa kanilang mga konsyumer dahil ang pagsusunog umano ng maraming karbon ay magiging sanhi aniya ng malalalim na pagbaha sa bansa

0 comment

Related Posts