Pagbuo ng ‘Duterte Death Squad’ plano pa lamang — Palasyo

0
55

Nilinaw ng Malacañang na plano pa lamang ang pagbuo ng pamahalaan sa armadong unit na tinaguriang ‘Duterte Death Squad’ na ipantatapat sa sparrow unit ng New People’s Army (NPA).

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang planong pagbuo sa sariling armadong unit ng pamahalaan ay upang patunayan na handa ang estado na protektahan ang mga mamamayan laban sa mga rebeldeng grupo.

Tiniyak rin ni Panelo na sasailalim sa masusing pag-aaral ang lahat ng mungkahi kaugnay sa pagbuo ng armadong unit na ito.

Samantala, naniniwala naman si Panelo na walang malalabag na batas ang nakatakdang pagbuo ng Duterte Death Squad, dahil ang hahabulin lang aniya nito ay ang mga rebeldeng grupo na pumapatay sa mga sibilyan, sundalo at pulis.