28.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Pagbitiw ni Albayalde inasahan na ng mga PNP officials — Gamboa

- Advertisement -

Inasahan na ng mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang pagbibitiw ni General Oscar Albayalde bilang hepe ng PNP matapos itong masangkot sa ‘ninja cops’.

Ayon kay PNP Officer-In-Charge, Lt. General Archie Gamboa, kitang-kita naman sa pagdinig ng Denado na tila pagod na pagod na sa pagsagot sa mga akusasyon laban sa kanya si Albayalde.

Dahil dito, pinakamagandang opsiyon na anya para kay Albayalde ang pag-alis nito sa puwesto.

Maliban sa personal na epekto ng kontrobersya kay Albayalde, hindi rin anya maiiwasang makaladkad ang buong PNP sa isyu.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -