36 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Pagbawi ng travel ban sa HK, Macau malaking tulong sa mga OFWs —Recto

- Advertisement -

Malaking tulong sa libu-libong Overseas Filipino Worker (OFWs) at kanilang pamilya ang pagbawi ng travel ban sa Hong Kong at Macau.

Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, hindi na mangangamba ang mga OFW na sila ay maiipit sa sitwasyon lalo na at apektado ang kanilang hanap-buhay.

Natatakot na umano kasi ang ilang mga OFW na naapektuhan ng travel ban na baka wala na silang babalikang trabaho sa Hong Kong at Macau.

Sinabi rin ni Recto na tiwala siyang mas may kapasidad ang mga ospital sa Hong Kong para magamot ang mga tatamaan ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).

Tiniyak din umano ng gobyerno ng Hong Kong na hindi nila pababayaam ang mga Pinoy na nasa kanilang bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -