29.8 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

Pagbabawal ng single-used plastics sa buong bansa matagal nang nais ipatupad ni Duterte — Panelo

- Advertisement -

Umaasa ang Palasyo ng Malacañang na ipagbabawal na rin ng iba pang lokal na pamahalaan ang pag-gamit ng single-use plastics.

Ito ay matapos aprubahan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang ban sa single-use plastics sa kanilang lungsod para sa susunod na taon.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, matagal nang nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatupad ang ban sa single-use plastics sa buong bansa dahil sa masamang epekto nito sa kalikasan.

Matatandaang, una nang sinabi ni Panelo na posibleng sertipikahan bilang urgent bill ni Pangulong Duterte ang panukala na magbabawal sa paggamit ng single-use plastics sa bansa.

Sa ngayon, nakabinbin pa rin sa Senado ang senate bill 333 na naglalayong i-regulate ang manufacturing, importation, at paggamit ng single use plastic sa bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -