Pag-ipon ng tubig sa ulan minumunkahi ng Baguio Water District

0
6

Baguio City – Hinikayat ng lokal na opisyal ng Baguio ang mga mamamayan nito sa 128 mga barangay na yakapin ang panukulang rainwater harvesting system bilang isang paraan upang makaipon ng tubig ulan para sa mga tahanan at mga commercial na mga establisimento. 

Sa ilalim ng City Council Resolution No. 572, series of 2023, sinabi ng mga lokal na mambabatas na si BWD general manager Engr. Salvador M. Royeca, nagpadala ng mga panukalang desinyo ng iba’t ibang rainwater harvesting systems para sa mga tahanan, sa paaralan, sa mga gusali at mga bahay kalakalan nasa lungsod ng Baguio. 

Sinabi ng konseho na ang mga panukulang desinyo ay maaring makatugon sa dumadaming pangangailangan ng tubig ng mga mamamayan ng lungsod.

Sinabi pa ng mga mambabatas na dahil sa humaharap ang lungsod ng paparating na kakulangan sa tubig dahil sa lumalaki populasyon na sanhi ng dumadaming tao mula sa mga nayon papunta sa mga lungsod tulad ng Baguio, kailangan na ng kaibang solusyon upang matugunan ang lumalaking pangangailangan sa tubig tulad ng pag iipon ng tubig ulan sa mga residential at commercial establishments sa lungsod.

Ayon sa lokal na konseho na ang tubig ulan ay maaring gamitin sa pagdidilig ng Landscape, sa paglalaba, sa mga ornamental pond maging pagflush ng mga palingkuran sa mga bahay at mga business establishments. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of BWD)

Leave a Reply