27.2 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Pag-apruba sa panukalang palakasin ang internal affairs mechanism ng PNP muling isinusulong

- Advertisement -

Muling isinusulong ni PBA party-list Representative Jericho Nograles ang pag-apruba sa panukalang naglalayong palakasin ang internal affairs mechanism ng Philippine National Police (PNP).

Ito ay kasunod ng isyu ng ‘ninja cops’ o mga pulis na sangkot sa pagrerecycle ng nakumpiskang mga ilegal na droga.

Ayon kay Nograles, nabawasan ang integridad ng umiiral na Internal Affairs Service (IAS) dahil sa ‘brotherhood system’ ng PNP kung saan nauuwi sa takipan.

Aniya, panahon na para ihiwalay ng kongreso ang kapangyarihan at otoridad ng IAS mula sa buong liderato ng PNP maging ang director general.

Matatandaang inihain ni Nograles ang House Bill 3065 na naglalayong ma-amyendahan ang Republic Act 8551 o Philippine National Police Reform Reorganization Act of 1998.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -