35.9 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Pag-amyenda ng batas sa franchise renewal ng mga public utilities sinang-ayunan ng NTC

- Advertisement -

Sang-ayon ang National Telecommunications Commission (NTC) na amyendahan ang batas sa franchise renewal ng mga public utilities.

Ito ay kasunod ng pagdinig sa senado kaugnay sa Senate Bill No. 1530 na inilatag ni Minority Leader Franklin Drilon na naglalayong alisin ang expiration ng legislative franchises ng mga may pending applications para sa renewal.

Ayon kay NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, malaking bagay ito para sakaling hindi pa naaayos ang prangkisa ng anomang network ay makakapag-operate pa rin ang mga ito at maiwasan na ang nangyari sa ABS-CBN.

Samantala, nilinaw naman ni Cordoba na ang kasalukuyang probisyon ng revised administrative code ay tumutugon lamang sa permit at lisensya na iniisyu ng administrative agencies at hindi ng legislative branch.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -