35 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Pacquiao tagumpay na nadepensehan ang WBA Welterweight Championship belt

- Advertisement -

Tagumpay na nadepensahan ni Senador Manny Pacquiao ang kanyang WBA Welterweight Belt kontra sa american boxer na si Adrien Broner.

Wagi via unanimous decision ang pambansang kamao makaraang bigyan ng mga hurado ng score na 117-111, 116-112 at 116-112.

Dinominahan ng people’s champ ang sampu sa 12 round kontra sa mas batang si Broner sa kanilang paghaharap sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada, Amerika, kanina.

Mas maraming suntok o mahigit 560 ang pinakawalan ng people’s champ kung saan 112 ang tumama sa american boxer na nagpakawala naman ng halos 300 suntok kung saan 50 lang ang tumama.

Samantala, duda naman si Broner sa resulta ng laban at naniniwalang siya ang tunay na nagwagi.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -