Pacquiao kinumpirma ang laban kontra Thurman sa Hunyo

Pacquiao kinumpirma ang laban kontra Thurman sa Hunyo

by Powered by DWIZ
305 views

Kinumpirma ni fighting Senator Manny “Pacman” Pacquiao ang kanilang paghaharap ni Keith “One Time” Thurman sa darating na Hunyo.

Sa kaniyang social media, inanunsyo ni Pacquiao na makakasagupa niya sa June 20 si Thurman.

Ang naturang laban ang unang pagkakataon na nadipensahan ng Pinoy boxing icon ang kanyang regular WBA welterweight belt na kanyang napanalunan kontra Lucas Matthysse noong Hulyo 2018.

Si Thurman naman ay huling sumabak sa boxing ring nuong Enero lamang din taong kasalukuyan.

—–
0 comment

Related Posts