28.5 C
Manila
Friday, April 19, 2024

P455-M halaga ng shabu nasabat sa Las Piñas City

- Advertisement -

Nasabat ng mga awtoridad ang nasa P455-M halaga ng hinihinalang shabu sa isang apartment sa Las Piñas City.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Operations Police Lt. Gen. Camilo Cascolan, pinasok nila ang nabanggit na apartment matapos makatanggap ng impormasyon na doon nakatira ang drug suspek na naaresto ng pulisya, kamakalawa.

Aniya, nakipag-ugnayan ang mga tauhan ng PNP Drug Enforcement Group at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa may-ari ng paupahan at pumayag itong inspeksyunin ang kuwarto na tinutuluyan ng naarestong drug suspek.

Dito na narekober ng mga miyembro ng PNP at PDEA ang mga bag na naglalaman ng hinihinalang shabu na nakasilid sa packaging ng mga Chinese tea bags at kape.

Tumitimbang ang mga iligal na droga ng 67 kilo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -