P20-M pabuya alok ni Duterte sa makagagawa ng respirators para sa COVID-19 patients —Roque

0
11

Nag-alok ng P20-milyong pabuya si Pangulong Rodrigo Duterte sa sinumang Pilipino na makagagawa ng mga respirators na maaaring magamit ng mga coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, batid ng pamahalaan ang pangangailangan ng mas marami pang respirators sa mga ospital sa bansa.

Sa gitna pa rin aniya ito ng patuloy na pagtaas sa bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sinabi ni Roque, alinsunod sa binanggit ng pangulo, kinakailangang matibay at tatagal ang paggamit sa mga nabanggit na respirators.

Una na ring nag-alok ng P50,000 pabuya si Pangulong Duterte sa sinumang mga Pilipinong siyentipiko na makagagawa ng bakuna laban sa COVID-19.