30.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

OWWA mayroong P20-B na pondo para matulungan ang mga OFW

- Advertisement -

Iginiit ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na mayroong P20-B pondo ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) pang ayuda sa mga Overseas Filipino Workers (OFW).

Ito ang naging reaksyon ng senador matapos na humingi pa ng karagdagang pondo ang OWWA dahil sa inaasahang pagbalik sa bansa ng halos 50,000 OFW’s.

Ayon kay Drilon, wala syang nakikitang dahilan para hindi tulungan ng gobyerno ang mga uuwing OFW’s na nawalan ng trabaho dahil sa pandemyang COVID-19.

Aniya, hindi rin maaaring idahilan ng OWWA na maaapektuhan ang investment nito kapag ginamit ang kanilang pondo ngayon.

Paliwanag ni Drilon, ang naturang pondo kasi nanggaling mismo sa dalawamput limang dolyar na kontribusyon ng mga OFW’s kung kaya’t dapat na ibigay rin nila itong ngayong oras ng pangangailangan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -