Online case filing pansamantalang papayagan ng SC

Online case filing pansamantalang papayagan ng SC

by Powered by DWIZ
37 views

Pinayagan ng Korte Suprema ang pagsasampa ng kaso at pagpa-piyansa online sa kasagsagan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) public health emergency.

Ang hakbangin ay nakasaad sa inisyung administrative order ni Chief Justice Diosdado Peralta para mabawasan na rin aniya ang pagbiyahe ng hukom at kaniyang staff sa kani-kanilang mga tanggapan.

Ang mga reklamo at impormasyon hinggil sa isasampang kasong kriminal at kanilang supporting documents ayon sa memo ay u-ubra nang i-e-mail sa tamang forst o second level court.

0 comment

Related Posts