One time big time operation ng mga otoridad ikakasa—LTO

0
20

Magkakasa ng one time big time operation ang mga otoridad laban sa mga lalabag sa batas trapiko lalo na ang overloading at overspeeding ngayong araw na ito.

Layon ng hakbang, ayon sa LTO na maiwasan ang pagdami ng mga aksidente sa kalsada.

Bukod ito sinabi ng LTO na ang nasabing hakbang ay pagtugon din sa direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte sa cabinet meeting nuong November 4 sa istriktong ipatupad ang mga batas trapiko.

Katuwang ng LTO sa operasyon ang PNP HPG, DPWH, MMDA, North Luzon Expressway at South Luzon Expressway.