Number coding suspendido dahil sa Bagyong ‘Tisoy’

Number coding suspendido dahil sa Bagyong ‘Tisoy’

by Powered by DWIZ
13 views

Kinansela na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng number coding scheme epektibo kaninang alas dose ng tanghali.

Ito ay sa gitna na rin ng masamang panahon dulot ng bagyong Tisoy.

Ayon kay MMDA EDSA Traffic Czar Bong Nebrija, layunin nitong mabigyan ng panahon ang mga commuters at motorsita na makauwi ng kani-kanilang mga bahay bago ang inaasahang pananalasa ng bagyo.

Nais rin anilang maiwasang may mga ma-stranded na mga mananakay sa mga kalsada sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Tisoy.

Una na ring ininspeksyon ng MMDA ang ilang mga kalsada bago ang paghagupit bagyong Tisoy sa Metro Manila.

0 comment

Related Posts