NTC sa mga telco: Iprayoridad ang mga tanggapan ng gobyerno at ospital na lubhang tinamaan ni ‘Tisoy’

NTC sa mga telco: Iprayoridad ang mga tanggapan ng gobyerno at ospital na lubhang tinamaan ni ‘Tisoy’

by Powered by DWIZ
17 views

Inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat ng telco sa bansa na iprayoridad sa pagbibigay ng serbisyo sa mga tanggapan ng gobyerno at ospital na matinding napinsala ng bagyong ‘Tisoy’.

Ayon kay NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, nakapaloob sa kanilang inilabas na direktiba ang pagtiyak ng mga telco na may sapat na technical at support personnel silang itatalaga para sa paglalagay ng fuel sa mga standby generators sa mga cell sites ng provincial capitols, city halls, municipal halls at maging ng government hospitals.

Aniya, dapat ring magsumite ng report sa kanyang tanggapan ang mga telcos upang matiyak na tatalima ang mga ito sa naturang direktiba.

Samantala, kamakailan lamang nang ipinag utos rin ni Cordoba ang pagkakaroon ng libreng tawag at libreng charging ng mobile phones sa publiko.

0 comment

Related Posts