32.4 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

NPA Na Utak Sa Guerilla Front 33 Sumuko Matapos Ang Matinding Sagupaan Sa Davao De Oro

- Advertisement -

Davao City – Isang miyembro ng komunistang New People’s Army (NPA) ang sumuko sa kasagsagan ng pakipagbakbakan ng mga ito sa tropa ng pamahalaan sa Brgy. San Roque, Nabunturan, Davao de Oro, alas 5:30 ng umaga noong Novemberb28, 2020.

Sa panayam ng RPN DXKT Davao kay Lieutenant Colonel Junerico Muti ang Commander ng 25th Infantry Battalion (IB), ikinasa ng kasundaluhan ang operasyon laban sa NPA matapos nakatanggap ito ng impormasyon mula sa mga residente na may presensya umano ng NPA ang namataan sa kanilang lugar na may plano umanong maghasik ng kaguluhan.

Ayon pa kay Ltc. Muti na nagsagawa ang tropa ng kasundaluhan ng monitoring laban sa grupo ng Guerilla Front 33 Sub-Regional Peasant Bureau  na pinamumunuan ni Ka Caloy matapos nagbigay ng impormasyon ang mamamayan sa barangay patungkol sa presensya ng mga armado.

Matapos ang anim na minutong bakbakan ay napilitang sumuko ni Ka Caloy dahil na rin sa takot na baka tuluyang mapatay ng Militar.

Kaagad namang isinailalim sa pagtatanong at custodial debriefing ang sumukong kasapi ng NPA na napag-alamang siya ang utak kaya nabuo ang Guerilla front 33 na sa kanyang edad ay ipinagkatiwala nito sa kanyang anak ang pamumuno sa kilusan.

Sa kanyang pagsuko sa kasundaluhan, ibinigay nito ang kanyang. 45 Caliber at isang improvised explosive device o anti-personnel landmine. Nasa kustodiya na nang 25th IB si Caloy pati na ang isinukong baril at bomba para sa karagdagan pang mga katanungan.

Nagpaabot naman ng kanyang komendasyon sa 25th IB ang kumander ng 10th ID Major General Reuben Basiao sa mahusay na pagganap nito sa kanilang tungkulin upang proteksyunan ang komunidad.

 “Ako’y natutuwa at nagpapasalamat sa inyong mahusay na pagganap ng tungkulin. Kasama ang mamamayan ng Nabunturan, alam kong marami pa tayong magagawang tulong sa mga kababayan natin upang ipagtanggol sila laban sa mga teroristang NPA” ayon sa pahayag ni Major Gen Basiao.

Ayon pa ni Major Gen. Basiao na dapat panatilihing matatag, Malakas at nasentro ang ating kasundaluhan para sa pagsulong ng Kapayapaan at Kaunlaran sa mga lugar na kanilang nasasakuoan.

Muli namang hinikayat ng opisyal ang mga natitira pang miyembro ng NPA na talikuran na ang armadong pakikibaka at mamuhay ng normal kasama ang kani-kanilang pamilya.
(OIC Michael Manguhig, RPN DXKT Davao)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -