30.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Nograles muling isinulong ang panukalang batas na tinawag na ‘anti-ninja cops bill’

- Advertisement -

Muling isinusulong ni PBA Partylist Representative Jericho Nograles ang pagpapasa sa house bill 3065 na naglalayong palakasin ang Internal Affairs Service (IAS) ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Nograles, ang panukalang batas ay tinatawag nang “anti-ninja cops bill” kung saan tatanggalin ang IAS sa PNP at ililipat na sa ilalim ng dilg o Department of Interior and Local Government.

Nire-file ko po yung house bill no. 3065, yan po yung strengthening the Internal Affairs Service of the Philippine National Police na ngayon medyo nagge-gain ng attraction, matatawag na po siyang anti-ninja cops bill. Ito po sana yung bill na gusto nating mapasa bilang batas, na tanggalin na po natin yung Internal Affairs Service sa PNP at ililipat na natin directly under the secretary of Interior and Local Government,” ani Nograles.

Aniya, maituturing na walang ngipin ang IAS dahil sa hindi pagtupad at pagbalewala nito sakanilang mga isinusumiteng rekomendasyon kung anong dapat ipataw na kaparusahan sa bawat kaso ng pulis iskalawags na kanilang iniimbestigahan.

Ang Internal Affairs Service natin ‘pag nag-imbestiga po sila ng mga iskalawags at mga ninja cop makakapag-submit sila ng kanilang mga findings at makakapag-recommend lamang na anong appropriate na punishment at desisyon sa mga kaso. Ang problema yung recommendation ay minsan hindi tinutupad at binabalewala, ibig sabihin maaring maging useless yung ngipin o walang ngipin mismo yung Internal Affairs Service,” ani Nograles. — panayam mula sa Balitang Todong Lakas

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -