35.7 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

‘No break policy’ sa BI officials iminungkahi – Dotr sec

- Advertisement -

Iminungkahi ni Transportation Sec. Arthur Tugade ang pagpapatupad ng “no break policy” sa mga opisyal ng Bureau of Immigration.

Ayon kay Tugade, ito lamang ay kung mahaba ang pila sa mga immigration counters sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Anya, ito ay para mabawasan ang mahabang pila sa mga immigration counters at upang mabantayang mabuti ang record ng mga turistang pumapasok sa bansa.

Kaugnay na rin ito ng mga naitalang immigration issues sa nasabing paliparan.

Bukod dito, sinabi rin ni Tugade na kailangan ng karagdagang rapid response team o strike team force para sa pagbabantay ng mga immigration counters.

Sa ngayon, aabot lamang sa 500 personnel ang nakadeploy sa tatlong terminal ng NAIA.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -