Radio Philippines Network
Image default
Headlines National News

NCR pinaghahanda ng DILG sa pagdagsa ng mga evacuees mula Region 4A

Pinaghahanda ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang National Capital Region (NCR) sa posibleng pagdagsa ng mga evacuees mula sa Region 4-A.

Ito’y sa gitna ng patuloy na pag-aalburoto ng bulkang Taal.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, dapat ay magpulong na ang mga barangay officials para mapaghandaan ang pagtanggap sa mga lilikas mula sa mga apektadong lugar ng pagputok ng bulkang Taal.

Nakipag ugnayan na rin aniya ang DILG sa mga Metro Manila LGUs para sa gagamiting sasakyan, breathing apparatus, at water purifiers para sa gagawing paglikas.

Sa ngayon umano ay mahigpit niyang tinututukan ang presensya ng mga lokal na opisyal partikular ng mga alkalde at gobernador sa mga apektadong lugar.

Related posts

Mga bangko sa bansa magpapatuloy pa rin ang operasyon sa gitna ng ECQ

Powered by DWIZ

Pag-convert sa shipping vans sa health facilities sinimulan ng DPWH

Powered by DWIZ

Mga Pilipino hinimok na alalahanin ang diwa ng EDSA sa darating na halalan

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More