33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

NBP chief absuwelto sa kasong murder

- Advertisement -

Inabsuwelto ng korte si dating Parañaque City Jail Warden at ngayo’y New Bilibid Prison (NBP) Chief Gerald Bantag sa kasong murder.

Kaugnay ito sa pagkamatay ng 10 inmates, kabilang ang dalawang Chinese nationals, na may kasong drugs sa pagsabog ng isang granada sa opisina mismo ng nasabing opisyal noong August 2016.

Si Bantag, kasama sina Jail Officers 2 Ricardo Zulueta at Victor Eric Pascua, ay pawang kinasuhan ng murder subalit kalaunan ay ibinaba ito sa homicide

Ayon kay Acting Presiding Judge Betlee-Ian Barraquias ng Branch 274 ng Parañaque Regional Trial Court (RTC), bigo ang prosecution na patunayan ang mga elemento ng krimen at walang ebidensya ang prosecution na nagtulungan ang mga akusado para patayin ang 10 inmates bukod sa alegasyon ng mga complainant na tumestigo sa pagdinig ng nasabing kaso.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -