Nawawalang menor de edad nasagip ng Baguio Police sa Bulacan; suspect arestado

0
17
photo courtesy of PIO Baguio

Marilao, Bulacan – Kasunod ng mahigpit na imbestigasyon, ang mga operatiba ng Baguio City Police Office-Police Station 7 ang nakasagip sa nanawalang batang babae sa Marilao, Bulacan noong July 27, 2024, Sabado.

Ayon kay BCPO City Director, PCol Francisco b. Bulwayan Jr., napa-ulat nawawala ang biktima noong Hulyo a 8 sa Itogon Municipal Police Station (MPS). Dahil sa kahalagahan at banta sa buhay ng bata, ipinasa na lamang ito ng Itogon Municipal Police Station sa Baguio City Police Office.

Lumilitaw na ang biktima na sumunod sa kanyang Ina sa Baguio ay nawala at hindi nito mahanapan kung paano siya makakabalik. Ang suspect, isang 29-taong gulang na lalaki ang kumuha ng biktima at sinamantala ang pagkabata nito at dinala niya ito sa Harrison Road dito sa lungsod ng Baguio.

Sila ay huling nakitang magkasama sa Dau Terminal sa Pampanga ng kaparehong araw noong siya napabalitang nawawala. Kasunod ng masusing pag iimbestiga, ang mga operatiba ang matagumpay nahanap ang suspek noong Hulyo a 26, 2024, naging pagsagip sa biktima sa Marilao, Bulacan, sa sumunod na araw.

Ang suspect ay nahuli na sa paglabag sa Republic Act 9262, or the Anti-Violence Against Women and Their Children Act. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply