Home Headlines National Identification System sisimulan nang ipatupad ngayong buwan

National Identification System sisimulan nang ipatupad ngayong buwan

0

Magiging epektibo na ang pagpapatupad ng PhilSys o Philippine Identification o ID system sa Agosto 25.

Iyan ang inihayag ng PSA o Philippine Statistics Authority makaraang lagdaan na ito ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang isang batas noong Agosto 9.

Paliwanag ni Lisa Grace Bersales, national statistician, nakasaad sa naturang batas na magiging epektibo ang nasabing batas labing limang araw matapos itong mailathala sa mga pahayagan.

Nasa isang milyong ID ang unang ipalalabas ng psa kung saan, unang makikinabang dito ang mga benepisyaryo ng PPP o Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Nakalagay sa naturang id ang pangalan, tirahan, petsa at lugar ng kapanganakan, kasarian, blood type, larawan ng may-ari at biometrics nito.

National Identification System sisimulan nang ipatupad ngayong buwan was last modified: August 19th, 2018 by Jaymark Dagala

Exit mobile version