28.2 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Narekober na labi sa nasunog na scuba diving boat sa California pumalo na sa higit 30

- Advertisement -

Pumapalo na sa 33 ang mga labing narerekober ng mga otoridad matapos masunog ang isang scuba diving boat sa california.

Dahil dito, isa na lamang ang pinaghahanap ng mga otoridad sa nasabing insidente nang pagkasunog ng diving boat na lumubog din sa lalim na 66 feet.

Kabilang sa mga narekober na labi ay 11 babae at siyam (9) na lalaki na natagpuan sa lalim na 75 feet malapit sa pinangyarihan ng trahedya.

Ang mga nasabing labi ay isasailalim sa DNA (deoxyribonucleic) acid test.

Sakay ng bangka ang 39 katao na kinabibilangan ng 33 pasahero at anim (6) na crew members na ang lima (5) ay nakatalon at nakalangoy dahil gising sila nang mangyari ang sunog samantalang natrap ang mga pasahero dahil tulog sa ibabang deck ng diving boat.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -