30.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Nadine Lustre may natutunang aral sa gitna ng COVID-19 pandemic

- Advertisement -

May natutunang aral ang aktres na si Nadine Lustre ngayong coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Sa isang panayam, ikinuwento ni Nadine na labis niyang ikinababahala ang lockdown dahil sa kaniyang pagkatakot sa ‘self isolation.’

Aminado si Nadine na takot na takot siyang mag-isa, at magiging emosyonal lamang siya dahil sa lockdown.

Kwento ng aktres, alam niyang matatakot, magagalit at malulungkot lamang siya dahil sa self-isolation na ito ngunit masaya aniya siyang na-handle niya ang lahat ng kaniyang emosyon, at mga nararamdaman.

Aniya, isang hamon sa kaniya ito ngunit kaniyang natutunan na kailangan niyang harapin ang kaniyang mga problema dahil hindi naman ito basta-basta mawawala, at ito lamang ang paraan upang masolusyunan ang kaniyang mga pinapasan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -