Morente, Duterte inaasahang maghaharap

Morente, Duterte inaasahang maghaharap

by Powered by DWIZ
54 views

Inaasahang magkakaharap sina Pangulong Rodrigo Duterte at Immigration Commissioner Jaime Morente sa susunod na buwan.

Ito ay sa gitna na rin lumutang na kontrobersiya sa Bureau of Immigration (BI) na tinaguriang pastillas bribery scheme.

Sinasabing mangyayari ang pagkikita nila Pangulo Duterte at Morente sa cabinet meeting na gaganapin sa unang Lunes ng Marso.

Kabilang sa posibleng talakayin ng dalawa ang mga hakbang o paraan ng pagpapatakbo ni Morente sa ahensiya.

Gayundin na rin, aalamin din ng Pangulo ang sitwasyon sa Bureau of Immigration bago nabunyag ang anomaly ng pastillas scheme.

0 comment

Related Posts