Modernong health facility sa Lungsod ng Baguio inayos katuwang ang SM foundation at SM City Baguio sa paggawa

0
8

Baguio City – Isang bagong ayos at modernong health center sa lungsod ng Baguio ang ipinasa ng SM Foundation at SM City Baguio sa lokal na pamahalaan ng lungsod ng Baguio sa pamumuno ni Mayor Benjamin Magalong kamakailan lamang.

Serbisyong Medikal services ng kaaayos na Lucban Health Center ay nag-aalok sa mga 26 barangays tulad ng general consultation, prenatal check-up, child immunization, TB DOTS, family planning at ng iba pa.

Ang kaaayos na health center ay may consultation; post consultation room, pharmacy, triage area, minor OR/treatment room, auto clave area, sputum collection corner, physician’s room, pantry, lounge, handwashing area, nursing office at may garbage collection area sa unang palapag samantala sa ikalawang palapag ay may family planning room, prenatal and vaccination room, dental; adolescent room at midwife office.

Ang SM Foundation ang naglaan sa health center ng mobile play cabinet para sa mga bata, at isang breastfeeding room upang matiyak ang kaginhawahan ng mga nanay habang sila ay nagpapasuso ng kanilang sanggol sa health center.

Ang Lucban Health Center ay ang ika-201st pinabuting health facility sa buong bansa at ika-3rd wellness center para sa lungsod ng Baguio.

Ang pagsasaayos ng Health ay inabot ng halos two buwan upang makompleto. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of Baguio City Public Information Office)

 

Leave a Reply