MMDA handa na para sa bagyong ‘Tisoy’

MMDA handa na para sa bagyong ‘Tisoy’

by Powered by DWIZ
14 views

Handa na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa inaasahang pananalasa ng bagyong ‘Tisoy’.

Ayon kay MMDA Gen. Manager Jojo Garcia, naka alerto na ang rescue units sa apat na quadrants ng Metro Manila.

Aniya nagtuloy-tuloy din ang isinagawang declogging operations ng flood control management sa mga drainage.

Ipinabatid din ni Garcia na ipinag-utos na rin ng Department of the Interior and Local Government ang pagbaklas ng mga billboard.

0 comment

Related Posts