28.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Mga ‘world class ring venue’ para sa SEA Games tapos na

- Advertisement -

May mga world class ring venue para sa Southeast Asian Games ang natapos at napaganda ng husto.

Kabilang dito ang art deco ng Rizal Memorial Coliseum na mala hotel na  ngayon ang itsura.

Sa art deco gaganapin ang halos lahat ng gymnastics events kung saan sasabak ang world champion gymnast na si Carlos Yulo.

Patapos na rin ang Ninoy Aquino Stadium kung saan gaganapin naman ang weightlifting events na lalahukan ni Heidelyn Diaz at mga taekwando events.

Ilang araw naman bago ang pagbubukas ng SEA Games ay 100% nang handa at maganda ang olympic pool ng Vermosa Sports Hub sa Imus Cavite kung saan gaganapin ang underwater hockey event.

Ang maintenance at sanitation ng pool ay ginagamitan ng salt chlorine generator kung saan sa halip na gumamit ng chlorine tablet o kemikal sa paglilinis ginagamitan ito ng asin na naco convert na chlorine.

Mayroon din itong antiwave starting blocks at updated timing system ng omega.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -