30 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Mga urban farmers na nagtatanim malapit sa mass grave ng mga baboy na may ASF, tiniyak na makakatanggap ng tulong

- Advertisement -

Tiniyak ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na makatatanggap ng tulong ang mga mag-gugulay na apektado ng African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Belmonte, nakatatanggap kasi siya ng mga reklamo mula sa urban farmers na nagtatanim ng gulay malapit sa mass grave ng mga alagang baboy na na-apektuhan ng ASF.

Aniya, pumalo na kasi sa 3,700 ang kabuuang bilang ng mga alagang baboy na isinailalim sa culling activity o ang pagpatay sa mga alagang baboy na posibleng tinamaan ng ASF.

Dahil dito, tiniyak ng Alkalde na kumikilos na sila upang ma-ayudahan ang mga naapektuhan dahil sa ASF.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -